Sigma Notification

Sigma Notification

May Isang panauhin na nagtatanong kung may paninda ba tayong calculator na may sigma notification. Kailangan daw ng kanyang apo na nag-aaral sa high school. Iyon daw yung required sa kanilang subject sa Math. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang ibibigay ko dahil wala akong idea nito. Kaya tiningnan ko na lang isa-isa yung manual guide nito kada model ng calculator. Sakto naman na meron na yung apo nito na galing school. Buti na lang nakita ko sa manual guide kung papaano ito at anong model ng scientific calculator ang aking ibibigay sa kanila. Nasa FX-570ES PLUS pala ito. Pindot lang ang (SHIFT LOG) upang magpakita ang Sigma notification. Laking tuwa ng estudyante at lola sa akin dahil nahanap ko ang kanyang kailangan.